*Cauayan City, Isabela- *Puspusan ang pagtutok ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa financial inventory at programa ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng bawat barangay sa bansa sa pangunguna ni DILG Usec Martin Diño.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Usec Diño, ‘Di umano sila mag-aatubiling magsampa ng kaso laban sa mga brgy kapitan at brgy officials na hindi magsusumite ng BADAC members at BADAC Programs maging ang kanilang financial inventory sa DILG.
Aniya, kailangan umanong maayos ng isang barangay ang mga hinihinging requirements ng DILG hanggang sa Oktubre a trenta.
Bagamat mayroong libo-libong barangay ang Pilipinas ay kayang-kaya umanong tutukan ng DILG katuwang ang iba pang mga ahensya ang pagsusuri sa mga BADAC programs ng bawat barangay.
Giit pa ni Diño na kung hindi pa susundin ng mga barangay officials ang kanilang mga hinihinging requirements ay sasampahan na ang mga ito sa Ombudsman.
Samantala, nilinaw ni USEC Diño na hindi ito kakandidato sa susunod na halalan dahil mabigat umano ang kanyang responsibilidad hinggil sa kanilang pagtutok sa mga mandato ng bawat brgy Captain at brgy officials kung ginagawa ng mga ito ang kanilang direktiba sa kanilang mga nasasakupang barangay.