Pinamamadali na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang iba pang barangay sa buong bansa sa pag-organisa ng Barangay Health Emergency Response Team.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, aabot pa lamang sa 60.51% o 25,411 na barangays sa buong bansa ang nakapag organisa na ng BHERTs.
Aniya, malaki ang maitutulong ng BHERTs sa monitoring at pag kontrol ng pagkalat ng COVID-19.
Responsibilidad nito na bisitahin sa kanilang lokalidad ang mga bahay ng mga dumating na pasahero mula sa Corona Virus-infected country.
Base sa latest data ng DILG-National Barangay Operations Office, ang Bicol Region ang nakapagtala na ng 100% compliance rate sa pag-organisa ng BHERTs at sinundan ng Region III na mayroong 99.42%.
Ang iba pang rehiyon na may mataas na compliance rate ay ang Region 12 at 13.
Habang ang NCR ay nasa 78%, CALABARZON – 81.19%; MIMAROPA 52.74 %; Regions 1, 35.29% at 5.29% sa Region 10.
Hinihintay pa ng DILG ang reports mula sa Regions 2, 8, 11, CAR at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.