Mga barangay na marami ang populasyon, pinatututukan ng POPCOM sa LGUs

Pinamo-monitor ng Commission on Population and Development o POPCOM sa mga Local Government Unit ang mga barangay na maraming populasyon sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila kay POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III, ibinabala nito na ang mga barangay na marami ang populasyon ay vulnerable sa COVID-19.

Giit ni Perez, mabilis ang hawaan o pagkalat ng virus lalo na kung dikit-dikit o nagsisik-sikan ang mga residente sa isang lugar.


Una na ring ibinabala ng POPCOM ang paglobo ng populasyon ng bansa sa susunod na taon dahil sa kawalan ng access ng mga tao sa family planning methods sa panahon ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Base sa projection ng University of the Philippines-Population Institute at ng United Nations Population Fund, inaasahang aabot sa halos dalawang milyong sanggol ang isisilang sa Pilipinas sa susunod na taon.

Facebook Comments