Mga barangay na nagpapatupad ng ‘No voter’s ID, No food pack’ policy, lagot sa DILG

Dapat isumbong sa Department of Interior and Local Government o DILG ang kapitan o opisyal ng barangay na humihingi muna ng voter’s ID sa kanilang mga nasasakupan bago magbigay ng rasyong food packs.

Giit ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, walang ganitong patakaran na dapat ipatupad sa gitna ng nararanasang krisis dahil sa COVID-19.

Binigyang diin ni Usec. Malaya na kada bahay ang pagbibigay ng food packs na tatagal ng tatlong araw at walang kailangan i-presenta sa mga opisyal ng barangay na anumang dokumento bago mabiyayaan ng rasyon.


Facebook Comments