Mga barangay na nasa ilalim ng election concern, mahigpit na binabantayan ng AFP

Naka-deploy na ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, layon nitong masiguro ang maayos at ligtas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ani Medel, aabot sa 117,000 na tropa ng pamahalaan ang nakakalat sa buong bansa.


Nagpadala narin aniya sila ng mga tauhan sa 361 barangay na isinailalim sa areas of concern o Red Category ng COMELEC upang matutukan ang sitwasyon doon.

Matatandaang nasa 361 mga lugar ang nasa ilalim ngayon ng Red Category o mga barangay na may history ng election-related incidents (ERIs), intense political rivalry at presensya ng private armed groups.

Nasa 1,252 lugar naman ang nasa Orange Category, 1,210 barangay ang nasa Yellow Category at 39,178 naman ang sakop ng Green Category.

Facebook Comments