Mga Barangay na Sakop ng PNP Station 2, Mahigpit na Binabantayan!

Santiago City, Isabela – Labing siyam na barangay na sakop ng PNP Station 2 mahigpit na binabantayan dahil sa nalalapit na Barangay-SK eleksyon.

Ayon kay Police Chief Inspector Reynaldo Maggay ng Santiago Police Staion 2, na prayoridad ngayon ng pamunuan nito na hikayatin ang mga tatakbo sa eleksyon na pagsabihan ang kanilang supporters na huwag mag umpisa ng mga usapin kontra sa kanilang mga kalaban upang maiwasan ang anumang gulo o maaring mangyari.

Sinabi pa ni Inspector Maggay na hindi naman umano maikokonsiderang hot spot ang mga barangay na nasasakupan ng Station 2 dahil wala pang basehan na may election related violence dito..


Patuloy naman umano ang koordinasyon ng Santiago PNP Station 2 at ang tanggapan ni Atty Villejo ng Comelec may kaugnayan sa checkpoints at sa katunayan ay may regular na systematic schedule checkpoint silang sinusunod araw araw.

Samantala hanggang sa ngayon ay wala pang naitatalang nahuli may kaugnayan sa comelec gun ban sa naturang lungsod.

Facebook Comments