Mga barangay official, dapat maayos na ipinatutupad ang COVID-19 protocols – DILG

Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay officials na ipatupad ng maayos ang health safety protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ito ay sa harap ng mga ulat na may ilang local leaders na nagsabing kulang ng manpower para ipatupad ang safety protocols sa kanilang komunidad.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, binibigyan ang mga barangay officials ng sapat na budget para gawin ang kanilang tungkulin.


Ang pondo sa bawat barangay ay nakadepende sa area size.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa law enforcers na arestuhin ang mga barangay officials na nagpabayang bantayan ang COVID-19 protocol violations tulad ng ban sa mass gathering.

Facebook Comments