Manila, Philippines – Pinakakasuhanna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay official na protektor ng mgapaglabag sa batas-trapiko.
Sa cabinet meeting noonglinggo, nabatid na nagsumbong na sa pangulo si MMDA acting Chairman Tim Orbos dahilsa mga pasaway na paulit-ulit na lumalabag sa batas.
Ayon kay Orbos,posibleng maharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng barangay na hindinakikipagtulungan sa gobyerno.
Bukod sa illegalparking, tatapusin na rin ng MMDA ang mga pababalik-balik na illegal vendors atmga sasakyang pabalik-balik sa mga alternate routes na nagpapasikip sa mgakalsadang nagagamit pa sana ng mga motorista.
Asahan din ang pagdoblesa multa para sa ilang traffic violations.
Dagdag pa ni Orbos,anumang araw ay ilalabas nila ang pangalan ng mga barangay captains na hindisumusunod sa mga patakaran ng ahensya.
Samantala, sa talumpatini Duterte kagabi sa inaugarasyon ng Metro Manila Crisis Monitoring and ManagementCenter ng MMDA, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng ginagampanang papel ngahensya katuwang ang mga barangay at Local Government Units para sa kaligtasanat kapakanan ng publiko.
Mga barangay official na protektor ng mga paglabag sa batas-trapiko, pinakakasuhan na
Facebook Comments