Mga barangay officials, ipinasasama na rin sa coverage ng GSIS

Pinaamyendahan ni Isabela Rep. Faustino Dy ang RA 8291 o ang Government Service Insurance System Act of 1997.

Sa ilalim ng House Bill 2294 ni Dy, isasama na sa coverage ng GSIS ang mga opisyal ng Barangay.

Ayon kay Dy, ang mga barangay officials ang siyang frontliners sa paghahatid ng basic government services sa taumbayan pero hindi sakop ang mga ito sa coverage ng GSIS.


Kapag naging batas ang panukala, isasama sa coverage ng GSIS ang mga punong barangay, barangay kagawad, barangay secretaries at barangay treasurers.

Malaki aniya ang papel na ginagampanan ng mga ito sa pag unlad at kapayapaan sa kani-kanilang lugar kaya marapat lamang na mapasama sila sa GSIS coverage.

Facebook Comments