Mga barangay officials, posibleng manatili muna sa pwesto hanggat hindi pa nagdedesisyon ang Kongreso kung tuloy ba o hindi ang Barangay at SK elections

Manila, Philippines – Posibleng manatili pa ang mga Barangay officials na nakapwesto hangga’t hindi pa pinal na napagdedesisyunan ng Kongreso kung ipagpapatuloy ba o hindi ang Barangay at SK elections sa Oktubre.

Ito ang isa sa posibleng mangyari ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista kasunod na rin nang nakaambang na muling pagpapaliban sa Barangay at SK elections.

Maliban sa hold over capacity, lumulutang din ang pagtatalaga sa mga Barangay officials.


Paliwanag ni Bautista, kay Pangulong Rodrigo Duterte na mismo nanggaling ang pahayag na magtatalaga na lamang siya ng mga kinatawan sa Barangay.

Matatandaang una nang sinabi ng Pangulo na 40% ng mga Barangay officials mula sa kabuuang 42,028 barangays ang corrupt o sangkot sa ipinagbabawal na gamot kung kaya’t nais na lamang nyang mag appoint ng mga Barangay officials.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments