Mga Barangay Officials, Rumesbak sa Social Media Post ng isang Residente!

Cauayan City, Isabela- Magsasampa ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng barangay Maluno Norte sa bayan ng Benito Soliven, Isabela laban sa isang residente na nagpost sa social media kaugnay sa naaktuhang Tanod na nakikipagsugal sa iba pang residente.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy Captain Domingo Baligod, napahiya umano ang kanyang pamunuan sa social media post ng kanyang kabarangay na itinago sa pangalang “Jenny”.

Batay sa post ni Jenny sa kanyang social media account, sinabi nito na ““Para po sa kaalaman ng lahat may tagapatupad ng batas na sila mismo ay nilalabag ito, tulad na lamang ng isang brg. Tanod saamin na nagsususgal pero hindi nila pinapatawan ng parusa,.Ano nganga nanaman tayo. Gising mga official namin sa Maluno Norte Benito Soliven”.


Ayon sa Kapitan, ikinukonsidera aniya nila na paninirang puri ang ginawa sa kanila ng naturang babae.

Giit pa ng Kapitan, ginagawa naman nito ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang nasasakupan.

Una na rin pinakiusapan si Jenny na burahin ang post nito sa social media subalit tumanggi ang babae.

Nakausap na rin ng Kapitan ang inirereklamong Tanod na naaktuhang nakikipagsugal sa iba pang mga residente.

Facebook Comments