Hinikayat ngayon ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang mga barangay captain na magpaliwanag kung bakit inoobliga ang kanilang mga residente na magrepresenta ng mga voter ID para lamang makapagpabakuna.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang pagpapabakuna ay para sa lahat at hindi kailangang gawing requirement ang voter ID.
Nilinaw rin ng kalihim na ang voter ID ay hindi requirement para sa vaccination kasunod ng mga ulat na mayroon umanong ilang Local Government Units o LGUs sa mga probinsya ang nangangailangan muna ng voter ID bago makakuha ng schedule sa pagbabakuna.
Hinimok ng DILG ang publiko na kaagad ipagbigay-alam o i-report sa kanilang tanggapan kung may ganitong sitwasyon.
Facebook Comments