Bumababa na ang bilang ng mga barangay sa bansa na may kaso ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, nasa 29 na lamang ang mga lugar na may nananatiling kaso ng ASF.
Umabot naman sa 468 ang mga barangay na wala nang naitalang kaso ng ASF sa nakalipas na tatlong buwan.
Sa ngayon, paliwanag ni Dar malaking tulong ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa proclamation no.1143 nitong Mayo 2021.
Ito ang nagdeklara ng National State of Calamity dahil sa ASF sa buong bansa at nagpaigting sa pagpapatupad ng bantay-ASF sa bawat barangay.
Facebook Comments