Mga barangay sa Lungsod ng Maynila na hindi sumusunod sa Enhanced Community Quarantine, binalaan ng lokal na pamahalaan

Binalaan ng lokal na pamahalaan ang ilang mga pasaway na barangay na hindi sumusunod sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine ng National Government.

Kaugnay nito, ang mga pasaway na barangay ay itinuturing nang “kandidato” na posibleng isailalim sa isang “hard lockdown” ng lokal na pamahalaan.

Ibig sabihin nito, kapag hindi sumunod o umayos ang mga residente sa nasabing mga barangay ay maaring maipatupad ang total lockdown tulad ng gagawin sa Sampaloc District.


Sa listahan na inilabas ni Manila Police District o MPD Director P/Brig. General Rolando Miranda, pinakaramaraming naitalang pasaway na barangay ang Police Station-1 o Raxabago Police Station na may 18 barangay habang ang pinakaunti ay ang Police Station-11 o Binondo Police Station na nasa 7 barangay.

Karamihan sa mga residente ay nahuling lumabag sa curfew, nag-iinuman, nagsusugal at tumatambay o pagala-gala sa labas ng bahay.

Facebook Comments