MGA BARANGAY SA MANAOAG NA IDINEKLARANG DRUG CLEARED NABIGYAN NG P10,000 INCENTIVE

Binigyang pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag ang 24 na barangay na matagumpay na nakamit pagiging drug cleared.
Ang bawat barangay ay tumanggap ng P10,000 cash incentive bilang pasasalamat at gantimpala sa kanilang dedikasyon at pagsusumikap laban sa iligal na droga.
Bukod dito, Daan umano ang naturang programa upang panatilihin ang kanilang nasasakupan na ligtas mula sa iba’t-ibang krimen.

Samantala, dalawang bayan na lamang ang sumasailalim sa pagsusuri ng awtoridad upang ma-ideklara ring drug cleared. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments