Mga barangay sa Marawi ‘ground zero’ na nalagyan na ng kuryente, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga barangay sa loob ng most affected area o ‘ground zero’ ng Marawi City na nalagyan ng kuryente.

Kasunod ito ng ginawang ceremonial lighting sa limang barangay sa loob ng most affected area na isinagawa ng Lanao del Sur Electric Cooperative, Inc. at pinangunahan naman ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chair Eduardo Del Rosario.

Kabilang sa limang barangay na kinabitan ng kuryente ang Moncado Kadingilan, Norhaya Village, Sangcay Dansalan, Moncado Colony, at Datu Naga na saklaw ng Sector 9 sa most affected area.


Dahil dito, maaari nang mag-apply upang magpakabit ng kuryente sa Lasureco ang mga magnanais na bumalik sa lugar para itayo ang kanilang bahay na lubhang naapektuhan ng giyera sa Marawi City.

Kasabay ng nasabing ceremonial lighting ang pagdiriwang ng Week of Peace sa Marawi, kung saan nakalinya ring isagawa ang pagpapasinaya sa mga pampublikong imprastraktura sa lungsod at pag-turn over ng mga permanent shelters sa mga benepisyaryo.

Facebook Comments