Mga barangay sa Negros Occidental, mahigpit na tinututukan dahil sa ash fall

Binabantayan ng Office of Civil Defense (OCD) ang nasa 10 barangay sa Negros Island na apektado ng ash fall mula sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon kahapon.

Ayon sa OCD, nagtalaga na rin ng evacuation center sa mga naturang barangay bilang pansamantalang tuluyan ng mga apektadong pamilya.

Kabilang dito ang Brgy. Lag-asan sa Bago City, Brgy. Tabao sa Sagay City, Brgy. Rizal sa San Carlos City, Barrio Vista Alegre sa Bacolod City, gayundin ang Brgy. Hilamonan sa Kabankalan City, Brgy. Sibucao sa San Enrique, Brgy. Ill sa Himamaylan City, Brgy. Taculing sa Bacolod City.


Kabilang din ang Moises Padilla, Brgy. Cubay sa La Carlota at Sitio Canlayuhan, Brgy. Gil Montilla sa Sipalay City na pawang matatagpuan sa Negros Occidental.

Dahil dito, inatasan ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang OCD Western Visayas na ibigay ang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Kabilang na rito ang pamamahagi ng face masks, food packs, at pagtatayo ng mobile kitchens.

Facebook Comments