Mga barangay sa Pasay City na nakakapagtala ng COVID-19, bumaba na sa 20

Nasa 18 mula sa 201 na barangay sa lungsod ng Pasay ang may naitatalang kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, nasa 21 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng virus sa lungsod kung saan patuloy na nakamonitor ang Pasay Local Government Unit (LGU) upang maiwasan pa ang hawaan.

Binigyan na rin ng ng City Health Office ng COVID-19 Home Care Kits ang mga indibidwal na nagpositibo kasabay ng ibang ayuda.


Sa kabila nito, hinihiling ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang kooperasyon ng kanilang mga residente lalo na sa mga barangay na may aktibong kaso para hindi na kumalat pa ang sakit.

Bukod dito, nasa 28,119 na ang bilang ng gumaling habang nasa 580 ang namatay sa COVID-19.

Samantala, nasa 800 third year college students ng City University of Pasay (CUP) ang nakatanggap ng student financial assistance mula sa Pasay City government.

Ang mga naging benepisyaryo ng naturang assistance ay nakatanggap ng tig-P4,000 para sa apat na buwan.

Facebook Comments