
Ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang deployment ng mga barangay tanod sa mga paaralan kasunod ng madugong shooting sa isang Integrated School sa Nueva Ecija.
Sa Memorandum Circular 2025-072, inatasan ng DILG ang mga barangay na makipag-ugnayan sa Department of Education o DepEd schools sa kanilang mga nasasakupan para sa ipadadalang mga tanod.
Ayon sa DILG, base sa Local Government Code of 1991, ang mga tanod ay magsisilbing community service units para umalalay sa peace and order efforts ng isang lugar.
Dahil dito, inaasahan ang mga barangay tanod na magmamando sa daloy ng trapiko tuwing pasukan at uwian ng mga estudyante.
Kinakailangan din nilang umikot sa school premises at mga lugar na pinupuntahan ng mga estudyante.
Kabilang din sa direktiba ang pag-monitor at pag-report sa mga insidente na posibleng magdulot ng banta sa seguridad ng publiko.
Ang utos ng DILG ay kasunod ng shooting incident sa Sta. Rosa Integrated School sa Rizal, Santa Rosa, Nueva Ecija on August 7.
Matatandaang binaril ng 18-anyos na lalaki ang dati nitong kasintahan na 15 years old sa loob ng paaralan.
Sa ngayon, pumanaw na ang lalaking estudyante habang nasa kritikal na kondisyon ag biktima.









