MGA BARATILYO SA DAGUPAN CITY, BALIK PWESTO NA PARA SA BANGUS FESTIVAL

Balik-pwesto nang muli ang mga baratilyo sa Dagupan City matapos ang mahigit isang buwan nilang pagtatapos noong ika-24 ng Pebrero.

Umpisa na muling magset-up ang mga ito ng kani-kanilang stalls simula nitong nakaraang Biyernes.

Umaasa ang mga tindera at tindero na makakabawi sila lalo ngayong ipinagdiriwang ang Bangus Festival sa lungsod na inaasahang dadagsain ng daan-daang mga bisita at turista.

Ayon sa mga tinderong nakapanayam ng IFM News Dagupan, magtatagal daw sila hanggang sa buwan ng Mayo.

Samantala, inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang mga isasagawang aktibidad alinsunod sa selebrasyon ng world-renowned Bangus Festival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments