Agusan Del Sur – Bumisita kahapon sa 401st Brigade Philippine Army sa Brgy. Awa, Prosperidad, Agusan del Sur si 4th ID Commander MGen. Benjamin Madrigal. Sa pagbisita sa general, pormal namang prenesenta ang siyam na ibat-ibang klase ng baril at mga bala na isinuko at narekober ng militar mula sa mga rebeldeng NPA sa lalawigan ng Agusan del Sur. Ayon kay Capt. Jasper Gacayan, tagapagsalita ng 401st Brigade Phil. Army, apat sa siyam na mga baril ang bitbit ni Rey Betos Valiente, alyas Ka Carding, ang bago lang sumukong miyembro ng squad 1,Pulang Bagani Command (PBC) – 4, Southern Mindanao Regional Committee ng NPA at ang tatlo pang baril ang isinuko ng isa pang miyembro ng NPA na si Ka Poligoy sa 29th IB, Phil. Army. Habang ang iba pang mga armas at bala ay narecover ng 26th IB at Special Forces Battalion sa ginawang clearing operation sa mga bakbakan na nangyayari sa lalawigan noong nakaraang linggo.
Mga baril at bala na isinuko at narekober ng militar mula sa mga rebeldeng npa sa Agusan Del Sur, prinisinta
Facebook Comments