Nakakumpiska ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng mga baril, bala at pampasabog sa bahay ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo Teves Jr.
Ayon kay CIDG Director Police BGen. Romeo Caramat, isinagawa ang raid sa mga bahay ni Teves sa Brgy. Poblacion, Basay sa Negros Oriental at nakuha ng mga pulis ang:
• 1 hand grenade
• 1 kalibre 45 na baril at magazine nito na may mga bala
• 2 calibre 40 na baril at magazine nito na may mga bala
• 1 rifle scope
Sinabi ni Caramat, ginawa ang raid sa bahay ni Teves sa bisa ng search warrant.
May lisensya naman ang mga baril pero kanila pa itong ibeberipika, bago ito ay kwestyunable ang mga dokumento ng mga baril ni Teves na sinumite sa Firearms and Explosives Office.
Alinsunod na rin ito sa kanilang flagship project na “Oplan Paglalansag Omega” na kampanya laban sa iligal na armas.
Samantala, isang nagngangalang Jose Palo Gimarangan naman ang inaresto ng CIDG na siyang nagbabantay sa bahay ng mga Teves.