Mga baril, nabawi ng militar mula sa tumakas na mga rebelde sa Sultan Kudarat

Nabawi ng 57th Infantry (Masikap) Battalion ang dalawang M16 rifles ng Communist Terrorist Group matapos ang engkwentrong naganap sa Barangay Batang Bagras, Palimbang, Sultan Kudarat.

Ayun kay 57IB Commander Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., habang patuloy ang kanilang security operations ay naka-engkwentro nila ang nasa 13 mga myembro ng komunistang teroristang grupo.

Aniya, tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok kung saan matapos ang engkwentro ay nadiskubre sa encounter site ang dalawang armas, dalawang magazine, personal na kagamitan, subersibong dokumento at mantsa ng dugo.


Sa ngayon, patuloy ang pagsasagawa ng hot pursuit operations laban sa mga nagsitakas na mga komunistang terorista.

Base sa datos ng 57IB, nasa 21 na CTG ang nagbalik-loob, 5 ang naaresto at 10 ang nasawi mula sa engkwentro. Habang nasa 25 na armas ang isinuko at 25 din ang nabawi.

Facebook Comments