Mga baril ng pulis, hindi na seselyuhan sa pagsalubong sa bagong taon

Taliwas sa mga nakagawian, hindi ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng selyo o busal sa mga baril ng mga pulis sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., tiwala sya na hindi aabusihin ng mga pulis ang paggamit ng kanilang mga baril ngayong holiday season.

Kasunod nito, pinaalalahanan ng PNP chief ang lahat ng unit commanders na bantayang maigi ang kaso ng indiscriminate firing sa hanay ng kapulisan.


Saka sakali man aniyang may lumabag dito, paiiralin ng PNP ang “No Mercy Policy.”

Maliban sa mga pulis na nagkasala ay garantisadong papanagutin din sa ilalim ng batas ang kanilang immediate superior.

Facebook Comments