Mga baril sa nangyaring shooting incident sa Samar na ikinasawi ni Calbayog Mayor Ronald Aquino at ilang pulis, sasailaim sa forensic examination

Sasailalim sa forensic examination ang lahat ng baril na nakuha sa nangyaring shooting incident sa Calbayog, Samar na ikinasawi ng alkalde nitong si Ronald Aquinao at pagkamatay ng ilang pulis.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, sa harap na rin ng pagsisimula ng mas malalim na imbestigasyon sa shooting incident na ginagawa ng Special Investigation Task Group (SITG) “Aquino” na binuo ng PNP Eastern Visayas.

Ayon kay Usana na batay sa inisyal na imbestigasyon, ang grupo ni Mayor Aquino ang unang nagpaputok sa mga tauhan ng IMEG at Provincial Drug Enforcement Unit.


Hindi rin alam ng mga pulis na ang mga sakay ng sasakyan na unang nagpaputok sa kanila ay sina Mayor Aquino.

Pinabubulaanan din ng PNP na sila Mayor Aquino ang target nila sa drug operation sa lugar kung saan naroroon din ang alkalde at mga kasama nito.

Sa sagupaan ng grupo ni Mayor Aquino at mga pulis, anim ang namatay kabilang si Mayor, tatlong pulis at dalawang sibilyan.

Facebook Comments