Balik-operasyon na ang mga barko at sasakyang-pandagat matapos ang pananalasa ng Bagyong Lannie sa bansa.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), as of 4 PM kahapon ay bumalik na sa normal ang operasyon ng mga nasabing sasakyan.
Maaari na ring makabiyahe ang lahat ng pasahero, truck drivers, cargo helpers, motorbancas at rolling cargos na una nang na-stranded dahil sa bagyo.
Samantala, stranded pa rin ang 15 pasahero at limang Bangka sa Palawan dahil sa epekto ng Bagyong Lannie.
Inaasahang lalabas ng bansa ang Bagyong Lannie ngayong araw.
Sa ngayon, dalawa na ang iniwang nasawi ng pananalasa ng Bagyong Lannie sa bansa.
Facebook Comments