Mga barko na dadaan malapit sa Philippine Rise at Panay Island, pinag-iingat sa rocket debris ng China

Naglabas ng notice to all mariners (NOTAM) ang Philippine Coast Guard kaugnay sa memorandum na inilabas ng Philippine Space Agency (PhilSA) kahapon.

Ito ay dahil sa inaasahang pagbagsak ng rocket debris mula sa pagpapakawala ng China ng Long March 4B mula sa Xichang Satellite Launch Center sa Liangshan Yi Prefecture sa Sichuan.

Ayon sa PCG, inaasahang babagsak ang rocket sa layong 243 nautical miles mula sa Philippine Rise at 318 nautical miles mula sa Panay Island, Catanduanes.


Dahil dito, pinag-iingat ng Coast Guard ang lahat ng mga barko na dadaan sa mga nabanggit na lugar.

Ginawa ng China ang pagpapakawala ng rockets kaninang pasado alas-nuwebe ng umaga.

Facebook Comments