Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade na buksang muli ang mga isinarang ruta ng barko na may biyaheng Mindanao patungong Maynila.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakakalungkot dahil wala nang nagbibigay serbisyo sa mga mahihirap na nais magtungo sa Maynila.
Aniya, mahalaga ang mga ruta ng barko mula sa ibang lalawigan patungong Maynila dahil may mga bagay na naisasakay ng pasahero sa barko na bawal sa mga eroplano.
Bukod dito may ilan din aniya na natatakot sumakay sa eroplano.
Facebook Comments