Bumaba ang bilang ng mga na-monitor na barko ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Navy Spokesperson for the WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, mayroong 122 Chinese vessels ang na-monitor sa walong isla mula May 21 hanggang 27.
Aniya, mas mababa ang bilang na ito kumpara sa 153 Chinese vessels na namonitor noong May 14 hanggang May 20.
Pinakamaraming na-monitor na presensiya ng Chinese Maritime Militia vessels sa Pag-asa islands na 34.
Na-monitor din doon ang isang People’s Liberation Army Navy Vessel at isang Chinese Coast Guard Vessels.
Sumunod ang sa Sabina shoal sa 30 CMMV, 4 na PLAN at 2 CCGV.
Ayungin Shoal sa 17 CMMV, at 5 CCGV.
14 na CMMV at 5 CCGV sa Bajo de Masinloc.
May na-monitor din presensiya ng CMMV sa mga isla ng Panata, Patag, Lawak at Kota.