Mga barko ng China na na-monitor sa bahagi ng WPS, nadagdagan

Dumami ang bilang ng mga na-monitor na barko ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mayroong kabuuang 146 Chinese vessels ang na-monitor sa walong isla mula June 4- 10, 2024.

Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 125 Chinese vessels na namonitor noong May 28 – June 3, 2024.


Sa nasabi ring datos, dumoble ang na-monitor na People’s Liberation Army Navy (PLAN) ngayon sa 22 kumpara nuong nakalipas na isang linggo na nasa 11.

Namataan ang PLAN sa Ayungin Shoal, Pag asa Islands, Kota Island, Likas Island, Lawak Island, Panata Island at Sabina Shoal.

Samantala mayroon ding mga namonitor na Chinese Coast Guard (CCG) vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Kota Island, Lawak Island at Sabina Shoal.

Mayruon ding presensya ng Chinese Maritime Militia Vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Island at Lawak Island.

Facebook Comments