Umaabot pa rin sa halos 100 ang mga na-monitor na barko ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mayroong kabuuang 94 Chinese vessels ang na-monitor sa walong isla mula July 2-8, 2024.
Ang bilang na ito ay mas mataas ng 1 kumpara sa 95 Chinese vessels na na-monitor noong June 5 – July 1, 2024.
Namataan ang tatlong People’s Liberation Army Navy sa (2) Ayungin Shoal at (1) Iroquois Reef.
Samantala mayroon ding mga na-monitor na Chinese Coast Guard Vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands, Patag Island at Sabina Shoal.
Mayroon ding presensya ng Chinese maritime militia vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands, Kota Island, Panata at Patag Island.