Muling nadagdagan ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Sa ulat mula sa Armed Forces of the Philippine (AFP), mayroong 129 na barko ng China sa WPS mula August 13 hanggang August 19, 2024.
Mas mataas ito kumpara sa 92 na bilang ng mga barko ng China na namataan noong August 6 hanggang August 12, 2024.
Sa 129 na mga barko, 18 dito ay Chinese Coast Guard Vessels, 13 ang People’s Liberation Army Vessels o barkong pandigma ng China at 98 ang Chinese Maritime Militia Vessels.
Naispatan ang mga barko sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoals, Pagasa Island, Lawak Island, Patag Island at Sabina Shoal.
Kasunod nito, tiniyak ng Sandatahang Lakas na magpapatuloy ang kanilang misyon na itaguyod ang pagprotekta sa soberenya at interes ng bansa sa West Philippine Sea.