Dose-dosenang Chinese military at fishing vessels ang nakakalat sa West Philippines Sea kahit naiprotesta na ito ng pamahalaan na maituturing na panghihimasok sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobeana, nasa 28 Chinese vessels ang naispatan ng militar nang magsagawa sila ng maritime patrols.
Anim dito ay Chinese Coast Guard (CCG) vessels, 20 ay fishing vessels at dalawa ay maritime militia-operated vessels.
Nakaposisyon ang coast guard vessels ng China sa Pagasa Island, Ayungin Shoal, at Bajo de Masinloc.
Ang mga fishing vessels naman ay nakahimpil sa Pagasa Island, Ayungin Shoal, at Bajo de Masinloc.
Aalamin din ng AFP kung ilang barko na lamang nananatili sa Julian Felipe Reef.
Ang Philippine Navy ay nagpadala na ng dalawang patrol ships sa WPS at susuportahan ito ng dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessels at limang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels.
Aminado ang AFP na ang kawalan ng oil refueling stations sa WPS ay malaking hamon para sa militar na magpatrolya sa lugar.