Mga barko ng China sa WPS, bahagyang nabawasan

Bahagyang bumaba ang bilang ng mga barko ng China sa mga islang nasasakupan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Batay sa datos ng Philippine Navy, 178 na mga Chinese vessels ang na-monitor mula September 24 hanggang 30, 2024.

Mas mababa ito sa record high na 251 na mga barko na namataan sa WPS mula September 17-23, 2024.


Pinakamarami sa namataan ay Chinese Maritime Militia vessels sa 131.

17 People’s Liberation Army Navy vessels din ang na-monitor sa Bajo de Masinloc, Ayungin shoal, Pag-asa Islands, Parola Islands, Likas Islands, Lawak Islands, Panata Islands, Rizal Reef, Sabina Shoal, at Iroquois Reef.

Samantala, 26 na Chinese Coast Guard vessels din ang namataan sa mga islang inookupa ng bansa sa WPS.

Mayroon ding dalawang Chinese Research and Survey vessels ang na-monitor sa Bajo de Masinloc.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spox Col. Francel Maragareth Padilla na ang masamang lagay ng panahon at ilang operational adjustments ang dahilan sa bahagyang pagbaba ng bilang ng mga barko ng China sa WPS.

Facebook Comments