Inihayag ngayon ng pamunuan ng Philippine Cost Guard na 5 barkong kalahok mula sa Philippine Coast Guard ang handa na sa Marine Pollution exercises kasama ang isang 105-metrong patrol vessel, PLH02 Tsugaru na may lulang helicopter ng Japan Coast Guard at 3 barko naman mula sa Indonesia, KN Gandiwa, KN Sarotama at KN Kalawai ang salsalin sa nasabing pagsasanay.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo na naunang dumating ang BRP Batangas mula sa Headquarters ng PCG sa Manila lulan ang mahigit 200 tauhan nito mula sa iba’t-ibang hanay ng Coast Guard noong Sabado.
Ayon kay Balilo, ang Maritime Pollution exercise ay isang Biennial exercise sa pagitan ng 3 bansang kalahok upang mapaigting pa ang kanilang mabilisang koordinasyon at pagresponde kung sakaling magkaroon ng malawakang oil spill sa karagatan tulad ng nangyari sa Guimaras noong 2006.
Isasagawa aniya ang nasabing pagsasanay simula July 1 at magtatapos sa July 5 sa Davao.
Paliwanag ni Balilo, bukod sa Oil Spill Response and Containment Operations, magsasagawa din ng Search and Rescue at Firefighting Exercises ang mga nasabing participants sa Davao Gulf sa ika-3 ng Hulyo.