Mga barko ng US sa mga disputed island sa West Phil Sea hindi magpapalala ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas ayon sa AFP

Walang dapat na ikaalarma ang publiko matapos ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry na posibleng tumaas ang tensyon sa sa pagitan ng China at pilipinas dahil sa pagsasagawa ng militay exercises sa mga disputed island sa West Phil Sea.

 

Ito ang sinabi ni Lt Gen Gilbert Gapay  Philippine Balikatan 2019 Exercise Director matapos na na mamataan sa scarborough shoal sa West Phil Sea ang isa sa mga barko ng estados unidos na kanilang ginamit sa isinagawang balikatan exercise 2019.

 

Ayon kay Gapay dahil sa pagdami ng ginamit na equipments sa balikatan exercise kaya maging sa West Phil Sea ay namataan ang barko ng US na ginamit  sa pagsasanay at hindi ito para magpalala pa ng tensyon sa pagitan ng china at pilipinas.


 

Nanindigan rin AFP Chief of Staff Gen Benjamin Madrigal na sumusunod ang AFP  national laws at hangad nyang tuloy tuloy ang freedom of navigation sa West Phil Sea.

Facebook Comments