Mga barriers na naglutangan sa Quezon City, inalis na ng MMDA

Manila, Philippines – Inalis na ng MMDA ang mga plastic barrier sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Ito’y matapos maglutangan ang mga barrier nang magkaroon ng pagbaha bunsod ng bagyong Gorio.

Ayon kay MMDA Chief Operating Manager Jojo Garcia, pinahiram nila ang nasa 10,000 orange barrier sa mga local government unit noong APEC.


Aniya, pinag-aaralan na rin nilang bawiin ang iba pang barriers dahil nakakadagdag lang ang mga ito sa trapiko.

Facebook Comments