Mga barya, pako at blade – nakuha sa tiyan ng isang lalaki

Panghimagas – Nasa pitong kilo ng mga metal object ang nakuha sa loob ng tiyan ng isang 35-anyos na lalaki sa India.

Una rito, dinala sa Sanjay Gandhi Hospital sa Satna, Madhaya Pradesh si Maksud Khan matapos na manakit nang sobra ang kanyang tiyan.

Laking gulat ng mga doktor nang makita sa resulat ng kanyang endoscopy ang samu’t saring mga metal.


Kabilang sa mga nakuha ang nasa 236 mga barya, 100 pako at dose-dosenang razor blades!

Paniwala ng pamilya ni Khan, nagsimula ang kakaiba niyang eating habit nang minsang ma-depress siya.

Ang mga baryang nakuha raw sa tiyan niya ay mga pamasaheng ibinayad sa kanya ng kanyang mga pasahero noong nagta-trabaho.

Facebook Comments