Matapos maibalik kahapon ang mga basura na galing sa Canada.
Ibabalik na rin sa Lunes, June 3 ang basura ng Hong Kong na naipasok sa bansa at nakatengga sa pantalan ng Misamis Oriental.
Ayon kay Mindanao International Container Terminal Port Collector John Simon – hindi kasi municipal waste o household waste ang laman ng container kundi mga electronic waste na medyo mataas ang chemical content.
Dagdag pa ni Simon, isang container lang ang basurang dumating pero kailangan na itong maalis agad dahil sa hazardous ang mga laman nito.
Ang consignee nito ay may address sa Pasay City at abandonado ang mga kargamento mula nang dumating sa bansa.
Matatandaan na dumating sa bansa ang mga basura noong Pebrero.
Facebook Comments