Aarangkada ngayong araw ang Palit-Basura Caravan sa Barangay Telbang, Alaminos City kung saan hinikayat ang mga residente na dalhin ang kanilang mga recyclable materials na maaari pang mapakinabangan.
Ayon sa LGU ang mga plastic bottles, lata, mga papel tulad ng dyaryo, karton, yero, bag at iba pa na maaring mapakinabangan ay tatanggapin sa naturang programa.
Ang mga naibahaging recyclable materials ay papalitan naman ng grocery item kung saan ilalagay sa sariling dalang eco bag.
Isang beses sa isang buwan sa scheduled na barangay isinasagawa ang naturang aktibidad kung saan naglalayon na hikayatin ang mga residente na magkaroon ng inisyatibong alagaan at gawing malinis ang kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









