Patuloy na ang isinasagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan kaugnay sa Flood Mitigation Projects o ang mga hakbanging makatutulong sa matagal nang problemang pagbaha sa Dagupan City sa naganap First General meeting kasama ang newly installed na mga miyembro ng bagong Flood Mitigation Commision ng lungsod.
Kabilang sa tututukang solusyunan ay ang problema sa mga basurang nagsisilutangan sa mga kailugan, mga basurang nakabara sa mga pipes at kanal na isang nagdudulot ng barado at mabagal na pag-agos pabalik o paghupa ng tubig.
Matatandaan na nito lamang buwan ng Agosto, naranasan sa Dagupan City ang matinding pagbaha dulot ng mga magkasunod na nagdaang mga bagyo at sinabayan pa ng high tide season at sa paglilinis ng mga kanal, ay kapansin pansin ang mga basura nakastock o nakabara sa mga ito dahilan na mabagal ang paghupa ng tubig baha partikular sa kahabaan ng downtown area.
Isa pa umano ang malawakang dredging operations dahil heavily silted na rin ang mga kailugan sa lungsod at kinakailangan ang matinding paghuhukay umano na sasamahan din ng paglilinis ng ilog.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa ahensya ng DPWH kaugnay sa long term solution na balak ng maisakatuparan upang tuluyan nang masolusyunan ang pagbaha sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments