Ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ibabalik na sa Australia ang basurang dinala sa bansa.
“O, by the way, the garbage from Australia, that’s going back too,” ani ni Locsin sa isang tweet.
Nadiskubre ng Bureau of Customs na mayroong 40 na pulgadang container nagaling sa Austrailia ang dinala sa Mindanao International Terminal sa Tagaloan, Misamis Oriental.
“No, I don’t give a flying f••k that it is used in making cement. If that is so cement makers should formally import the ingredient so it goes nowhere but to their plants,” pahayag ni Locsin.
Ayon naman sa Holcim Philippines Inc., sinabi nilang ang mga materyales ay ‘cleared’ ng Environment Management Bureau.
“Acutely aware of the public outcry against the export of wastes to the Philippines and irresponsible and damaging waste disposal practices, Holcim Philippines’ importation and use of PEF as alternative fuel for its cement kilns is pursuant to its objective of contributing to the ongoing efforts to address the global waste problem,” pahayag ng Holcim Inc.
Nauna nang binalik sa Canada ang mga basurang dinala sa bansa nitong Mayo 30.