Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na umaabot na sa 387 tonelada ng basura na iniwan ng Bagyong Carina ang kanilang nakolekta.
Ito ay katumbas ng 90 truck loads ng basura na inanod ng baha.
Kaugnay nito, nanawagan ang MMDA sa publiko na itapon ang kanilang basura sa tamang lagayan upang hindi mapunta sa mga daluyan ng tubig na nagiging dahilan ng mga pagbaha.
Nagpapatuloy naman ang clearing operations ng mga tauhan ng Metro Parkway Clearing Group gamit ang heavy equipment.
Facebook Comments