MGA BASURANG NAIPON SA ILANG NABAHANG BAHAGI SA LUNGSOD NG DAGUPAN, PROBLEMA NG MGA RESIDENTE

Problema ngayon ng ilang mga residente sa lungsod ng Dagupan ang naiwan at napadpad na mga basura sa kani-kanilang mga purok dulot pa rin ng naranasang matinding pagbaha.
Hindi daw umano maaliwalas tignan at kalat-kalat ang mga basura ayon kay Ate Maribel, na residente ng Purok 5 sa barangay ng Lucao. Bagamat ganito, ay hindi naman din daw bago sa kanila ang problemang basura ngunit mas matindi ngayon sa dami at masangsang na amoy na iniwan ng mga basura.
Dagdag pa ang maputik at malambot na mga daanan dahil sa naging babad ang lupa sa halos isang linggong pagbaha.

Inumpisahan naman ng mga residente sa nasabing lugar ang pagtutulong-tulong sa paglilinis ng mga basura at inaasahan din na hindi na muli pa tumaas ang lebel ng tubig.
Isa pa umano sa kanilang alalahanin ang posibleng maging banta ng sakit na dengue sanhi ng mga namuong mga stagnant water na maaaring pamugaran ng mga lamok. |ifmnews
Facebook Comments