Inihayag ni Chairman Carlito Cernal ng Barangay Addition Hills, lungsod ng Mandaluyong, umabot na sa 40,000 na mga basurang pwede ma-recycle ang kanilang nakolecta mula sa kanilang community pantry na kapalit ay basura.
Ayon kay Kapitan Cernal, sa mga darating na araw sisimulan na nila ang pagpreseso ng recyclable na mga plastic na basura upang gawing eco bricks.
Aniya, meron na silang mga machine para sa paggawa ng eco bricks pero hinihintay pa nila ang ibang materials na ihahalo para mabuo ang eco bricks.
Mas matibay anya ito para gamitin sa mga proyekto ng kanilang barangay tulad sa paggawa ng mga pathways, gardening, at iba pang proyekto na kailangan ng kahalintulad na materyal.
Matatandaan, inilunsad ng Barangay Addition Hills ang community pantry na may kapalit na mga plastic na basura, layunin na mabawasan ang nagkalat na basura na nagdudulot ng pagbara sa mga drainages sa kanilang lugar.