Mga basurang plastik sa Pilipinas, umaabot na sa 10 milyong tonelada kada taon ayon sa Philippine Nuclear Research Institute

Ipinatutupad ngayon ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), ang paggamit ng radiation technology upang pakinabangan pa ang mga basurang plastik.

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PNRI Executive Director Carlo Arcilla na isa ang Pilipinas sa may pinaka malaking source ng plastic pollution o 10 milyong tonelada kada taon.

Upang masolusyunan ito, nadiskubre nila ang paggamit ng radiation technology para mai-recycle pa ang mga basurang plastik.


Kapag ginamitan aniya ng radiation technology ang mga plastic na hindi na ginagamit o mga itinapon na para magamit sa ibang bagay tulad ng construction materials, kaysa nakatambak lamang at nasa basurahan.

Facebook Comments