Mga basyo ng bala na nakuha mula sa bus kung saan pinatay ang mag live-in na negosyante sa Nueva Ecija, isinasailalim na sa crossmatching

Isinasailalim na sa crossmatching, ang mga basyo ng bala na nakuha ng mga awtoridad mula sa bus kung saan sumakay at walang awang pinagbabaril ang mag live-in na negosyante sa Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo, layon nitong matukoy ang mga salarin.

Paliwanag ni Fajardo, pagtutugmain kasi ang mga basyo mula sa mga nakuhang basyo sa nakalipas na shooting incident sa lugar para malaman kung iisang tao o grupo lamang ang nasa likod ng pagpatay.


Patuloy ring inaalam ng pulisya kung gun-for-hire ang mga suspek.

Base sa kuha ng dash cam ng bus, sinabi ni Fajardo na marunong gumamit ng baril ang mga suspek dahil na rin sa kilos o galawan ng mga ito noong isagawa ang krimen.

Inaalam na rin kung ang mga ito ay alagad ng batas, dahil sa suot na camouflage o paraan lamang ito upang iligaw ang imbestigasyon.

Facebook Comments