Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga awtoridad ang ilang pinaniniwalaang gamit ng mga miyembro ng komunistang grupo makaraan ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga kasapi ng militar at pulisya partikular sa Mabuno Patrol Base sa Sitio Anipan, Brgy. Mabuno, Gattaran, Cagayan.
Ayon sa report, tumambad ang labing-isang (11) piraso ng basyo ng bala ng 5.56mm at anim (6) na piraso ng 7.62mm sa gilid ng bunk house ng rebelde ng magtungo ang pwersa ng gobyerno sa lugar.
Pasado alas-10:15 ng umaga kahapon ng magtungo ang pwersa ng 2nd CPMFC, 1ST CPMFC, 203rd RMFB, Alpha Company, 77th IB, 5ID, PA, para magsagawa ng clearing operation sa lugar na pinaniniwalaang kuta ng mga rebeldeng grupo.
Makaraan ang engkwentro, narekober ng mga tauhan ng SOCO ang ilan pang bala gaya ng pitong (7) piraso ng basyo ng bala ng 7.62mm at isang (1) piraso ng AK47 sa hilagang kanlurang direksyon na tinatayang 470 meters mula sa patrol base habang walong (8) basyo ng bala ang natagpuan sa hilagang silangang direksyon na tinatayang nasa 720 meters mula sa kampo patungo sa kuta ng rebelde.
Isinailalim na sa ballistic examination ang mga narekober na bala ng baril habang tukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga miyembro ng komunistang grupo na KOMPROB CAGAYAN na pinamumunuan ni Ariel Mancao Arbitrario alyas Karl/Greggy, Sec East front; Scarlet Gayo alyas Kian/Keneth/Sikhay, CO POC; Rolando Busania alyas Bon/Leo/Risik, V-CO East Front; Rey Espejo alyas rman/Rani/Bago, PI/FO/IO East Front; Cedric Casano alyas Henry/Abel, GP/P4/Med East Front; Gester C. Bautista TNU alyas Maya/Shera/Nevis/Lara; Journey Tammidao at Daniel Dela Cruz sa Sitio Rissik, Brgy Mabuno, Gattaran, Cagayan.