Mga basyo ng bala ng baril, narekober ng SOCO team ng San Ildefonso Police mula sa lugar ng pamamaril ng tatlong lalaki

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng San Ildefonso Municipal Police Station sa Bulacan sa kaso ng pamamaril sa tatlong lalaki na sakay ng tricycle sa Barangay Basuit.

Sa inisyal na impormasyon ng San Ildefonso Police, hinahabol ng mga armadong suspek na lulan ng kulay puting pick up ang tatlo.

Nang abutan ang mga ito ay walang habas na pinagbabaril bago tuluyang tumakas.


Nakarekober ang SOCO ng San Ildefonso Police ng ilang basyo ng bala ng kalibre 45 baril at 5.56 mm na bala mula sa armalite rifle.

Hindi pa inilalabas ng PNP ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Patuloy pa rin sa imbestigasyon ang pulisya sa nangyaring krimen.

Facebook Comments