Mga bata at English speaking Filipino workers, isa sa advantage ng Pilipinas na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na patuloy na aangat and ekonomiya ng bansa sa harap na rin ng kasalukuyang demographic sweet spot ng Pilipinas na advantage para sa mas mabilis na pag-unlad.

Ang pahayag na ito ay sinabi ni Pangulong Marcos sa kaniyang one-on-one dialogue kay World Economic Forum (WEF) President Børge Brende sa Davos, Switzerland.

Ang demographic sweet spot ay ang panahon kung saan mas maraming bilang ng populasyon ng bansa ay nasa working age kaysa sa dependents.


Aniya pa, ang working force ng Pilipinas ay mga bata, well-trained, sophisticated at English speaking.

Pagdating naman aniya sa teknolohiya, hindi rin nagpapatalo ang mga Filipino worker dahil nakakasabay sa mga ibang mga bansa.

Kaya naman tiwala ang pangulo na magbibigay ito ng kumpiyansa sa potential partners sa buong mundo.

Bukod sa mga working force, tinalakay ng pangulo kay WEF President Brende ang pag-promote naman sa public private partnership para mas ma-develop ang imprastraktura sa Pilipinas at pagbabago sa bureaucracy sa pamamagitan ng digitalization.

Facebook Comments